Friday, June 14, 2013

To Manileños and Dan Brown: an open letter

Magpapakatotoo lang muna ako, hindi ko pa nababasa ang Inferno ni pareng Dan Brown kasi;

1. Sobrang busy ako sa work
2. May iba akong binabasa at gustong unahin na basahin

Pero nito lang Mayo nang ilabas niya ang kanyang ika-6 na nobela, e biglang umingay ang social networks at media -- at sigurado ako, lalong tumaas pa ang sales ng Inferno, dahil sa:

1. Naisulat ng lasing ko atang kumpare na Manila has six-hour jams, suffocating air and a horrifying sex trade whose workers consisted primarily of young children, many of whom have been sold to pimps by parents who took solace in knowing that at least their children would be fed...I've run through the gates of hell.”

First reaction ko, walangya! After some pondering, my reaction became, wala lang! Kilala ko kasi yung nagsulat (not personally). Alam ko ang kanyang kakayanan sa paggawa ng fiction o gawang kathang isip lamang; hindi katulad ng marami na maaaring matapang na ipinagtanggol nga ang Maynila pero hindi naman talaga nakapagbasa ng 'ni isang akda niya.

Isipin niyo na lang ito -- kung kinaya ni Dan Brown na gumawa ng ingay sa buong mundo tungkol sa tunay daw na katauhan ni Hesus, maging ng kanyang mga minamahal na apostoles at Simbahan (I am talking about Da Vinci Code --educate yourself), bakit hindi kakayanin ni pareng Dan na gumawa ng ingay gamit ang isang inosenteng siyudad sa Asya?

Isa pang punto: Oo, masakit para sa mga isinilang, tumira, lumaki, nagkapamilya, at namatay na sa Maynila na masabihan sila na nasa tarangkahan (gate) ng impyerno. Pero hindi ba mas masakit na nung may isang banyaga na nagsabi nito, napatigil ka at napatanong, "teka, bakit niya nasabi iyon?"

Yung totoo... may konting kirot dyan sa puso mo no?! Kahit siguro hindi ka taxpayer ng Maynila, tinamaan ka ng konti. Siguro may bumulong sa iyo nung mga sandaling 'yun, "may punto siya, tanga."


The politics of devil

Isipin niyo ulit ito (sorry ah, kanina ko pa kayo pinag-iisip, well, tinatagalog ko naman kayo eh. Tayong mga demonyo, hindi tayo basta-basta nakakaintindi ng wika ng 'sibilisadong' tao). Mabalik ako -- isipin niyo to, hindi ba parang impyerno rin ung hayaan na lang natin na maging alkalde ang isang ex-convict at plunderer na dati na nating Pangulo? At tsaka, tangina naman, 'anak' ng Pasay yan eh! Para sa mahirap pero maraming mansyon yang gagong yan.

Siguro sasabihin ng mga maka-Orange dyan, "eh kaysa naman kay Dilaw?!". Ayun na nga, isa ring kademonyohan ang magtyaga sa isang tumatandang alkalde na nagiging inefficient na sa pagpapatakbo ng siyudad. 

Isa pa ring kaimpyernohan yung abangan ang pagiging alkalde ng isang charming na dating artista na sa bawat kalingkingan ng kanyang mestisong pagkatao ay isa ring balimbing na pulitiko.

Siguro nga hindi 'gates of hell' ang Maynila, pero bakit parang andaming demonyo rito? Nakabarong pa nga yung karamihan. Ahhh,,, kaya siguro sila naka-aircon

Bakit kaya hindi natin subukan yung iba naman -- maaaring kaalyado nila o matagal na ring councilor ng Maynila pero hindi pa masyadong matungis yung mga sungay. Kung sino man sila, ewan ko, baka hindi pa sila pinanganganak.


Devil everyday, everyday okay!

Isa pa -- talamak pa rin naman talaga ang mga kademonyohan na nangyayari sa maduming siyudad na 'to. Delikado ang Quiapo. Ironic nga kasi kilala ito sa mundo bilang sentro ng pananampalatayang Katoliko, pero paglabas mo lang -- as in pagtapos mong mag sign-of-the-cross, makakabili ka na ng pampalaglag ng bata.

Yung Malate ba, malinis na?! eh sa gabi kaya, malinis pa rin talaga?! Madumi! hindi dahil sa basura kundi dahil sa mga kuntodo make-up na gipit na kababaihan. Well, ang masasabi ko lang diyan, kung gates of hell ang Maynila, edi ang pumupunta dito mga demonyo?! Oh foreigners, alam niyo na ah. Grabe, 'pag papasok ako sa trabaho tuwing umaga, pauwi pa lang sila, tapos yung itsura naman, masasabi mong "ahhhh...panggabi nga..."

Anyway, sigurado rin akong nakarinig na kayo ng istorya ng panghu-holdap sa Moriones o sa Pier, meron nga kapag naging clingy ang biktima sa kanyang putanginang iPod, iPad, smart phone (buti pa ang cellphone, smart), e pinapatay talaga. Maswerte ka na kung guguhitan lang ang palad mo gamit ang kutsilyo.

O kaya naman mga batang nasagasaan sa highway ng truck. Bakit kamo? Eh kasi nagnanakaw sa mga 'perishable goods' (do not delay) at 'fruits and vegetables' na karga ng malalaking truck na 'to. Maliwanag pa sa apoy ng impyerno, este sa sikat ng araw, na pag sila nadisgrasya, hindi kasalanan ng truck driver. Highway yun! Ang dapat sisihin ay yung mga magulang (pag patay na ang bata), at yung mga bata mismo (kung maswerte sila't buhay pa).

Lahat ng ito at marami pang iba -- kademonyohan.


Exorcising the devil

Pero to be genuinely fair to Manila, hindi na talamak o ganun katotoo ang mga sinabi ni Dan Brown. Six hours of traffic? Hindi no! Minimum, seven! 12 hours kapag may national prayer rally ang Iglesia ni Kristo. Oops, wala akong personal na galit sa inyo, hindi ko lang makalimutan yung malapit na kong maiyak sa galit dahil sa traffic na dinulot niyo. Nilakad ko mula SM Manila hanggang Divisoria, e may otso pesos naman ako nun!? (Alam ko, maswerte pa ko kumpara sa iba noong araw na yun) Pero promise, as in matunog pa ung pindot ko sa keyboard, ang hirap talaga sumakay habang kayo nagdadasal nang sabay sabay.

Suffocating air?! Shit, alam niyo guys, totoo to. I AM SORRY. Lalo na sa tulad ko na hirap sa paghinga, maraming beses na rin akong gustong umiyak dahil sa dumi ng usok ng Maynila. Sa umaga gumising kayo, tingin kayo sa langit, hindi hamog kundi usok ang makikita niyo, tapos inom kayo ng kape, tapos sabihin niyo "Yummy..." na parang Coco Martin lang, hindi bagay. Umaga pa lang mabaho na.

Sex Trade? Mismong bugaw pa yung mga magulang? Ito isolated cases 'to, parekoy. Marami na ngayon ang hindi kinakailangan ang magulang para pagkakitaan ang sariling katawan. Biro lamang (totoo 'yun). Ang gusto ko talagang sabihin dito ay maraming rason kung bakit ito nangyayari hanggang ngayon (maging ang prostitusyon sa kalahatan). At mas inuunawa dapat sila kaysa hinuhusgahan (kung maka-comment ako, parang hindi ko nilait yung mga nasa Malate e, no?!)

Alam mo pareng Dan Brown, kilala kita bilang manunulat kaya may kakayanan ako, bilang mambabasa mo, na husgahan ka bilang writer. Pero bilang tao, lampas ka lang sa 'kin, hindi na kita huhusgahan. In the same manner, hindi mo naman naranasan tumira sa Maynila at ang pinakamainam na nagawa mo lang ay i-Google ang lugar namin -- kaya hindi mo na kami dapat binanggit. 

Sa iyo gates of hell 'to, pero maraming nangangarap umasenso dito. Kung may kakayanan lang sila -- kami -- hindi kami titira sa lugar na para sa dayuhan ay impyerno. O kung manatili man kami rito, babaguhin namin 'to kung may pagkakataon (nakakahiya naman kasi sa book mo eh).

Tsaka isa pa, ang kultura rito at pamumuhay, mas malaya at mas makatao kaysa sa ibang bansa. Walang sanggol na hinuhulog dito sa inidoro (tama ba China?), wala ring mga dalagitang binibenta rito para ipakasal sa mga gusgusing matandang lalaki na nambubugbog kapag walang siping (anong say ng Afghanistan?), ang mga mahihirap dito, tinutulungan kahit paano (hindi tulad sa Caste ng India), at hindi pa naman ganoon ka-over-the-top ang pagsamba namin sa sugal, sa divorce, sa dropping- out of school, sa kulay ng balat, at paramihan ng acting awards (Oh for goodness' sake, America). Ito pa malupit: hindi uso sa 'min ang school killing spree at kabaliwan sa premier ng Batman. Sa inyo parte sila ng headlines. Well, kung 'yan ang langit, okay na pala ako dito sa impyerno.

Sa maliit naming mga paraan, may mga ipinagmamalaki rin kami. Tama ba readers?! OLA! Tama nga kayo, mga kasama! (Dora?!)

Oh well, ang haba na ng sinabi ko. Ang gusto ko lang naman iparating sa mga mambabasa ko ay: kaya may nasasabi sila kasi hindi kayo -- tayo -- kumikilos nang tama. Marami tuloy iregularidad at imoralidad ang nakakagawian na sa ating 'malayang' lipunan. Wala namang perpektong siyudad o tirahan, pero kahit mali man o tama si Dan Brown at ang iba pa -- sa totoo lang, may mabigat na trabaho talagang dapat gawin ang Maynila. Para umayos ito, gumanda, at umunlad ulit.

"Tundo man ay langit din." Kung totoo ito, edi mas mala-palasyong kalangitan pala ang Maynila. 

Kilos lang tayo... nang wasto :)

Kailangan nang will to change, so as to start changing, and in the future, see change.

That, my friends, is a #fact, 'nu Paulo Coelho?


Featured Post

"Big Magic" (part 1/2)

"Big Magic: Creative Living Beyond Fear" by Elizabeth Gilbert (author of the sensational memoir "Eat, Pray, Love") Non-...

Popular Posts