Saturday, October 19, 2013

Homework: Isang Tula

While trying very hard to sleep last midnight, the below lines came to my mind. And so, I thought, why not try to make it into one, senseless (for the lack of better word) poem?! 

Try lang natin as a new blog (che!):

Wag mo na kong turuan kung pano ang umibig
Matagal kong prinaktis yan
Tapos nung recital, binagsak mo lang ako
Hindi ako mahinang estudyante
Bobo ka lang bilang professor
You don't attend to my student needs
Pero pinilit kong aralin lahat ng topics sa subject mo
Nahahanda ako kasi anytime
Baka magpa-quiz ka, o kaya prelim, midterm, o kaya finals na
Tapos ano...
Kung kailan patapos na yung sem at wala kang macompute sakin
Sasabihin mo kulang pa ako at kailangan kong bumawi
Eh nasan ka ba nung handa na ko sa exam
At kung nasa classroom ka noon,
Bakit iniba mo yung topic
Hindi ako nagkulang
Lagi akong present
Ngayon tanungin mo yung sarili mo
Baka ikaw naman talaga ang absent
Bahala na 
Di bale na
Hindi ko sasayangin ang apat na taon ko sa school
Para lang iplease ka
 Gagradweyt din ako isang araw
At pagkatapos nun, lalabas ako ng school
Ikaw, dito ka lang
Maghahanap ng bagong tuturuan, o hindi matuturuan
At malalampasan uli
Kasi ang estudyante, natuto nang wala ka
Nakakainis lang talaga
Kasi minsan sa buhay ko
Binigyan mo ko ng marka
Hindi nga lang mataas, bagsak pa



Ganda no?! LOL. Joke! Uy, copyrighted yan ah!

No comments:

Post a Comment

Featured Post

"Big Magic" (part 1/2)

"Big Magic: Creative Living Beyond Fear" by Elizabeth Gilbert (author of the sensational memoir "Eat, Pray, Love") Non-...

Popular Posts