Tuesday, April 21, 2015

First Day High

Kanina ka pa?
Musta?
Ayos lang. Kaw?
Tatango
Asan siya?
Magkikibit-balikat
May kinuha ka na?
Ito lang (Beer at mani)
Boss!
May lalapit
Isa nga rin. (Tuturo sa beer). Tsaka... (Pabulong) pengeng mani. Wag adobo a, nilaga.
Tatango si Boss
Kamusta mga bata?
Tulog na kanina pa
Anong sabi mo?
Kako iinom lang saglit, sa kaibigan ko
Naniwala naman?
Sana
Matalino pa naman yung dalawa
Tangina. Hindi ko alam anong sasabihin ko pag nagtanong uli e
Tahimik. Lilingon sa ibang direksyon
Ayos din pala to nu? Mukhang malinis
Dapat lang. Sa labas man lang e
Yan na yata ung inorder ko
Babalik si Boss, may dalang beer at isang platong mani, at isa pang mani
Hi
Hi. Ernie. Kumpare ko si Jun
Tatango
Tikang. 2 months pa lang.
Yun! Maupo ka
Jun, parang malungkot ka?
‘Di ayos lang yan
Jun, gusto mo ba? May marireto ako
(Diretso ang tingin) Hindi ayos lang
Kanina pa kayo?
Hindi naman
First time niyo dito?
Siya oo, ako hindi
Parang hindi siya nag-eenjoy
Ayos lang yan. Mamaya lang konti magsasalita na rin yan
Okay. Ano namang sinabi mo sa misis mo?
Sus. Wala ako nun.
2 months na ako dito. Lahat sila wala daw nun
Sila yun
Bolero. Itong si Jun ba? Jun!
Meron na ‘ko
Buti pa ‘to mukhang mabait
Mukha lang! Hindi... mabait talaga yang kumpare ko
Tikang, sino yun?
Titingin sila sa kanan
Ewan ko. Bago lang.
Hindi. Yung kasama niya?
Yung balyena? Si Rody, suki rito
Bakit pre?
Blanko
Naku, hindot yang hinayupak na ‘yan. Putangina ang bigat sa kama. Nakakapagod. Ang liit naman ng titi. Tagal pang labasan.
Mukhang may kaya.
Sa totoo lang, malaki naman magtip
Tatayo
Pre, san ka pupunta?
CR lang
Sige, dagdag ako ng isa pa a
Tatango



Babalik sa lamesa
Tuloy ang kwentutan... kwentuhan pala
Anong oras ka matatapos dito?
Maya maya. Mga ala singko. Hindi mo ba ‘ko papainomin?
Siyempre naman. Order ka.
Boss!
Huling lagok na. Tatayo
Jun? Pre?
Palabas
Jun? Pre?
Una na ‘ko.
Pre naman. Ni hindi mo nagalaw yung mani mo.
Papasok pa mga bata
Tangina naman pre. Kakasimula
Baka magising sila.
pa lang
Ni isa sa ‘min hindi nila makita
natin
Mga ala singko pa pala
Ako taya ngayon!
uuwi nanay nila




(378 salita)

No comments:

Post a Comment

Featured Post

"Big Magic" (part 1/2)

"Big Magic: Creative Living Beyond Fear" by Elizabeth Gilbert (author of the sensational memoir "Eat, Pray, Love") Non-...

Popular Posts