Saturday, August 11, 2012

Pencil Awareness 2


Kakauwi lang namin galing sa Manila Doctors Hospital. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko.Hindi ko talaga gusto ang nangyari. Nagpapasalamat na lang ako kasi naagapan ang mga kailangang agapan sa mama ko. Pero hanggan kailan aagapan? Hindi ba pwedeng sa umpisa ay iwasan na agad? 

Naghahanap ako ng 'funny moment' habang naka-confine ang mama ko, pero wala eh. Ang dami kasi naming hinarap- ung napakalakas na habagat na pumilay sa trapiko ng kamaynilaan (at ng halos buong Luzon at Visayas), yung schedule naming lima na nagpapalitang magbantay sa kanya, yung gastos na isang linggo lang tumungtong na ng otsenta mil, at yung pag-iisip na uuwi ka ng bahay at hindi kayo kumpleto- yung isip ko nasa Room 517A ng MaDocs.


Agad- agad

Gawa nga ng trabaho ko, kinailangan naming tumulong sa mga nasalanta ng baha sa maraming lugar sa Luzon. Bumili kami ng mga relief goods, nag-compute, nag-impake, bumiyahe nang pagkatagal-tagal, at nag-abot ng 400 relief bags- paumpisa lang yan. Maganda sa pakiramdam ang nakaktulong, pero kung may pagkakataon lang, ayoko na muna, mas gugustuhin kong magbantay sa mama ko sa hospital. 

Itong buwan ng Agosto, medyo hindi ko nagustuhan ang mga kailangan naming pagdaanan. Ako at ang mga magulang ko ay kinailangang magpa-check up para sa kung anu-anong kumplikasyon na baka nga isang sakit. Salamat na lang at wala namang nakitang malala. At yung kay mama- uulitin ko- naagapan ang sa kanya.


At 21

At 21 years old, nagulat ako at kinailangan ko nang magpa-ECG at 2DEcho para masolusyunan ang occasional chest pains at shortening of breath ko.Aba, teka?! -laging reaksyon ng mga doktor- ang bata mo pa?!

After all the medical procedures, wala pa rin. Normal naman daw. So ano ito? ah alam ko na-STRESS. Napapansin ko nga, sa tuwing hindi ko nagugutuhan ang mga nangyayari o ayoko na ng ginagawa ko, may nananakit sa kin-puso, batok, utak...kung anu ano.


Hinga.Kalma.Dasal.

Sa kabila ng lahat ng hirap ko, lagi kong iniisip na importanteng wag kong makalimutan ang huminga, kumalma, at magdasal. Ako ay isang anak ng Diyos- hindi niya ako pinapabayaan. Wala siyang problemang ibinibigay na hindi ko kayang solusyunan. 

Sabi nga, Why worry when I can pray? at tsaka Pray Until Something Happens (PUSH).

Anu pa man ang kailangan naming pagdaanan balang araw, tatapatan ko yan ng panalangin at pasasalamat. 


Haaay...may the best procedure (medical vs. spiritual) wins!


Hindi ito ang first time na dumaan na naman ang utak ko sa kahirapan- eto yung una na nai-blog ko  http://whenpencilwrites.tumblr.com/post/14055799037/pencil-awareness 

No comments:

Post a Comment

Featured Post

"Big Magic" (part 1/2)

"Big Magic: Creative Living Beyond Fear" by Elizabeth Gilbert (author of the sensational memoir "Eat, Pray, Love") Non-...

Popular Posts